Feel The Presence Of The Filipino Language


Ang isilang sa pilipinas ay isang napakalaking prebilehiyo.
Dahil tayo ay may mga natatanging pagkakakilanlan
Iba’t-ibang uri ng mga maipagmamalaking kakayahan
Tulad nalamang ng ating mga ugali
Madalas tayong nakangiti kahit madami tayong mga problemang hinaharap
Ang ating pagpupursigi sa isang bagay ay hindi mapapantayan
Bagamat nahihirapan ay tuloy lang
Gagawin ang lahat upang iyon ay mapagtagumpayan
Tulad rin ng ating pagmamahal
Bagamat nasasaktan ay pinagpapatuloy lang
Kayang isakripisyo ang lahat
Para lang sila’y paburan
Tulad rin ng ating Wika
Bagamat madaming mga wikang banyaga
Sa wika natin ay nagtatangka
Patuloy paring naisasalba
Dahil sa mga tula,nobela,at librong katha.
Ng mga pilipinong umiibig sa pilipinas
Kaya silay nagsagaw ng programang nakakamangha
Programang magpapaunlad
Ng ating Wikang Pambansa
Wikang dapat nating palaganapin at mahalin
Dahil ito ang pagkakakilanlan ng wika natin
Ito ang ay isinasasagawa sa buwan ng Agosto
Kung saan ipinagdiriwang ng mga Pilipino
Ang ating Wikang Filipino
Mayroong mga piestang pinaghahandaan
Kung saan kanilang pinapakita
Ang kahalagahan ng ating mga pinagmulan
Kanilang ipinraramdam
Ang ganda ng ating bayan
Bayan na puno ng likas kayamanan at kasiglahan
Mayroong ring mga paligsahan
Sa mga pribado at pampublikong paaralan
Na sinasalihan ng mga kabataan
Kung saan kanilang ipinamamalas
Ang mga natatanging kakayahan
Sa pagsulat,pagguhit,pagtula,pagindayog,pag-awit,at ano paman
Sa buwang ito ay nalilinang
Ang kanilang mga kaalaman
At napapalabas ang mga tinatagong kakayahan
Sa buwang ito ay iyong mararamdaman
Ang importansya at kahalagahan
ng Wika ng bansang iyong sinilangan.
Wikang nararapat mong mahalin at pagyabungin
Kahit marami mang mga impluwensyang nais kang baguhin.
Photo by Catholic World Report
Poem by yours truly, Carla Pabilonia